and then it waS over...
lumipas ang mga araw, dumalang ang text messages, ang mga pagpaparamdam...
we drifted away from each other...
last naming pagkikita after the breakup and everything ay nuong november 4, 2003.
after that, unti unti na kaming naglaho sa mundo ng isa't isa...
a couple of years after, i received a message from him.. he wanted to meet up. nagkita kami sa metropolis alabang. anlaki na ng ipinagbago niya nungmakita ko siya... sobrang hunkie na ung dating nya, sobrang basta... iba.... he smiled at me..and greeted me na para bang buddies lang kami. (buti na lang hindi ako nag-pink)...
kumain kami sa mcdo (favorite na ata namin eto eh), at nag-usap. seryosong usapan. he thanked me for that something different that i brought into his life.. he said he's doing well in his studies na.. and he has a new girlfriend (almost five months na raw sila thaT time).
it's funny because although he's way hotter than before, yet i didn't feel anything. hindi ako naattract, hindi ako nagregret na nagkahiwalay na kami, at hindi rin ako nagnasa (believe it..).
kaya kami nagkita kasi wala lang. hehehe.. pero eto ung naalala ko sa mga sinabi nya- gusto na raw nyang kalimutan ang lahat. un bang parang WALAng nangyari. ung parang di na kami nagkakilala. at ito ung reason nya:
'im living a straight life na kasi.'
okei.. ok lang naman sa akin yun, although parang mejo nakakagulat at mejo me konting pain kasi syempre, first ko yun eh. basta,..pero tinanggap ko naman ang reasonnya.. at alam ko namang mahal nya ung girl kasi parang 3/4 ng conversation namin e tungkol sa kanilang dalawa (at hanggang maisisingit nya sa usapan, isinisingit nya).
inihatid nya ako sa pabalik ng batangas. naghiwalay kami sa lipa.
i thought that was the last time id see him...
akala ko yun na ung last na magkikita kami...
pero last october laNG, nagtext siya sa akin (well buti na lang pala at kinakalat ko sa friendster ang number ko). gusto ko raw bang makipagkita sa kanya, sabi ko naman, walang problema. nag-meet kami sa yellowcab sa recto (dapat sa sm manila kaso me mga kaibigan ata sya na kasama dun eh, me event or something)..
and so, we met.. kinumusta nya ako.. sabi ko tigang (hahaha)... natawa naman siya. sabi nya, napakalaki na raw ng pinagbago ko, nagkaroon na ako ng laman, marunongna akong mag ayos ng buhok, basta, anlaki raw ng improvement. naisip ko naman, gagong to ah, me halo pang okray. sabi ko sa kanya, kaw kasi iniwan mo ko, kaya ayan, kinailangan ko mag-ayos para makahanap ng bago, hahaha...
sabi niya sa akin, naniniwala raw siyang maipapasa ko ang board exam. alam niya raw kasi na pag ginusto ko, magagawa ko.. makukuha ko.. sabi ko naman, oo nga, ikaw lang hindi,.. hehehe,,,
(nagta-try ako syempreng landiin siya, kasi that time tigang talaga ako, hehehe)...
nalaman ko na sila pa rin nung gf niya (wow, antagal na ha...) ginood-luck niya ako...nag-cr kami ng sabay, akala ko iyon na, pero he just kissed me. and he told me that i was the only guy he loved, and that there'll be no other one (bcause "he's living a straight life").. but then, life goes on, we have to move on and he said that may be the last time na magkikita kami.. (i never got the chance to return the kiss, though).
after that, wala na talaga. nag text ako ng thank you (kahit naghati kami sa bayad sa food), di na siya nagreply..
pero naintindihan ko naman siya. gusto lang naman niya na maayos ako. alam ko naman un kasi bine-blame niya sarili niya kung bakit nagkaletse letse ang buhay namin sa UP.
pero ngaun, ok na kami pareho. CPA na ako.. at siya, ang alam ko isa na siyang successful ___________....
now, here are some things that i'l never forget about him....
theme songs namin: 'hero' ni enrique iglesias.
'sweet sexy thing' na gustong gusto niyang kantahin bago kami mag-____.
favorite movie namin pareho ang serendipity.
favorite color nya purple, ako naman pink (very us, hahaha).
marunong siyang kumanta at maggitara.
ako naman magsayaw.
gusto nya na kalbo ako. (pero nung makita niya ung sharky hairstyle ko, mas ok daw yun.)
ayaw niya si dexter (dexter's lab), pero favorite ko yun.
nanonood daw siay ng powerpuff, ako naman ayoko.. hmp.
me ginawa kaming maliit na poem together. ang title nun existence. basta. hehehe.
-the end-